SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN FOR GRADE 6, QUARTER 1
SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN FOR GRADE 6, QUARTER 1
UNANG KWARTER
LAGUMANG
PAGSUBOK BLG. 1
ARALING
PANLIPUNAN 6
PANGALAN: _______________________________________________________________ISKOR:
_______
Basahin ang sumusunod at piliin ang titik ng inyong sagot. Isulat ito sa patlang sa unahan ng bilang.
_____1. Anong
ideolohiya ang may kahulugan ng pagiging makabansa?
A.
idealismo B. nasyonalismo
C. patriotismo D. Pilipinismo
____ 2. Alin
ang HINDI naging
salik sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino?
A.
pagbayad ng buwis C.
pag-alsa sa Cavite
B. pagbukas ng Suez Canal D. pagdating ng liberal na kaisipan sa
Pilipinas
____ 3. Anong
samahan ang itinatag ng mga Pilipinong kabataan
na naliwanagan o tinatawag na
ilustrado?
A. Katipunan B. La Liga Filipina C.
Kilusang Propaganda D.
Sekularisasyon
____ 4. Ano ang
nagawa ng Katipunan para sa ating bansa?
A. nagbigay ito ng tulong pinansyal
sa mga naghihirap na Pilipino
B. naglahad ito ang mga kabutihan ng
mga Kastila sa mga Pilipino
C. isiniwalat nito ang mga kalupitan
ng mga Kastila sa mga Pilipino
D. ipinaglaban nito ang kalayaan ng
ating bansa sa mga Espanyol sa
pamamagitan ng paghihimagsik
____ 5. Noong
Disyembre 20, 1863, pinagtibay ng Espanya ang Dekretong Pangedukasyon ng 1863.
Bago ito
napagtibay, sa anong larangan
nakatuon ang edukasyon sa mga unang taon ng pananakop?
A.
Pagtatanggol sa sarili.
B.
Makabagong teknolohiya sa pagsasaka.
C.
Pag-aaral at pagtanggap sa relihiyong Katolisismo.
D.
Pag-aaral ng heograpiya at kasaysayan ng Pilipinas at Espanya.
_____6. Paano
nagsimula ang kilusang sekularisasyon?
A.
Paggarote sa Gomburza.
B.
Pang-aalipin sa mga katutubong Pilipino.
C.
Nabigyan ng kapangyarihan ang mga paring Pilipino na pangasiwaan ang simbahan.
D. Pagpapalabas ng Patronato Real para sa mga paring Espanyol na nagbalik sa kanila ng kapangyarihang pamahalaang-muli ang mga simbahan.
____ 7. Bakit
binitay ang tatlong paring sina Gomez, Burgos at Zamora?
A. Sila ay lumaban sa mga Kastila.
B. Sila ay napagbintangang namuno sa
Cavite Mutiny.
C. Sila ay nagsulat ng hindi maganda
tungkol sa mga Kastila.
D. Sila ay naghayag ng mga kasamaan
ng mga paring Kastila.
_____8. . Sa
kasalukuyang panahon, paano mo maipapakita ang iyong damdaming nasyonalismo?
A.
sumunod sa mga batas kung kinakailangan
B.
pakikiisa sa lahat ng programa ng pamahalaan
C.
pagsali sa mga kilos-protesta o demonstrasyon laban sa pamahalaan
D.
pagsanib sa mga rebeldeng grupo upang pabagsakin ang pamahalaan
_____9. Paano nakaapekto sa pagsibol ng nasyonalismong Pilipino ang naganap na industriyalisasyon sa mundo noon?
A.
Naging industriyalisadong bansa ang Pilipinas.
B.
Tinangka ng mga mayayamang bansa na sakupin ang Pilipinas.
C.
Nagsimulang magluwas ang Pilipinas ng mga produktong pang agrikultura patungong
ibang bansa.
D. Nakapasok ang mga bagong ideya at kaisipan na dulot ng pagbubukas ng mga daungan sa mga dayuhan.
_____ 10. Bakit
binigyan ng tuon at mahabang oras ng mga Kastila ang pag-aaral ng relihiyon
kaysa ibang asignatura?
Sa malalim na pagsusuri, ano ang
usapin dito?
A.
Gawing mabubuting tao ang mga Pilipino.
B.
Mailayo ang mga Pilipino sa mga makasalanang gawain.
C.
Maipakilala ang mga Pilipino sa mapagpatawad na Diyos.
D.
Linlangin ang mga Pilipino, para makontrol sila at humaba ang pananakop nila.
______11. Bakit
nagkaroon ng pagtatalo sa Kilusang Propaganda?
A. Magkaiba ang estratehiyang nais
gamitin ng mga pinuno nito.
B.
Iilan lamang ang mga propagandistang may talino at kakayahan.
C.
Napagtanto nilang hindi makikinig ang mga Espanyol sa kanilang panawagan.
D.
Hindi sapat ang pondo ng kilusan upang ipagpatuloy ang paglaban sa Espanya.
_____ 12. Paano
higit na nakatulong ang pagpasok ng mga kaisipang liberal sa Pilipinas?
A. lalong natakot ang mga Pilipino sa mga Espanyol
B. nagising ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino
C. natutong magrebelde ang mga Pilipino sa pamahalaang Espanyol
D. pinahalagahan ang edukasyon at nagsikap makapag-aral sa Europa
_____ 13. Paano ipinaglaban ni Marcelo H. Del Pilar ang katarungan at kalayaan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol?
A. Nagtatag ng mga samahan upang lumaban sa mga Espanyol.
B. Nag-udyok nang hayagan upang maghimagsik ang mga Pilipino.
C. Nagsagawa ng teach – in upang buksan ang isip ng mga Pilipino na magkaisa.
D. Isiniwalat ang mga pang-aabuso ng mga opisyal at prayleng Espanyol sa pamamagitan ng paglathala ng mga ito sa pahayagan.
_____ 14 -15. Ang mga bayaning nakipaglaban makamtan lamang ang inaasam na kalayaan ay maituturing nakahanga - hanga at labis na maipagmamalaki hanggang sa kasalukuyang panahon. Sa ating panahon, matutukoy mo ba kung sino sino ang mga bayaning patuloy na nakikipaglaban para sa bayan? Magbigay ng paliwanag kung bakit sila maituturing na bayani sa kasalukuyang panahon.
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________