DLL GRADE 6: ALL SUBJECTS, QUARTER 1, WEEK 4
Note: This template is editable and free to download. Please report any activities like selling this template or the like to this email: teachershideout@gmail.com
DLL GRADE 6, QUARTER 1, WEEK 4 |
SAMPLE LESSON IN AP 6
A. Sino sino ang kasapi ng kilusang Propaganda? Papaano napukaw ng kilusang propaganda ang damdaming makabayan ng mga Pilipino?
B. Sino ang nakapanood ng pelikulang
Katipunan? Sinong bayani ang pinahahalagahan nito?
C. Pagpapanood sa mga bata ng maikling
video clip buhat sa pelikulang katipunan. Base sa napanood na video clips,
kailan at saan itinatag ang Katipunan? Sino ang
namuno sa kilusang Katipunan at mga naging miyembro nito?
D. Pangkatang Gawain
Pangkat I: (Semantic Web)
Mangalap ng datos sa mahahalagang detalye tungo sa pagkatatag ng lipunan.
Pangkat II: (Dula-dulaan) Pagsasadula sa mga panyayari nagbigay daan sa paglaganap ng katipunan
Pangkat III : (Akronim) Pagbibigay ng kahulugan sa akronim ng KKK.
Pangkat IV: (Collage Making) Gamit ang mga
ginupit na larawan, bumuo ng collage na nagpapakita ng mga taong may mahalagang
ginampanan sa pagkakatatag at pagpapalaganap ng Katipunan.
E. Pag-uulat ng bawat pangkat at pagtalakay ng aralin.
1. Paano nangalap ng kasapi ang Katipunan?
2. Anu-ano ang iba't-ibang antas ng
konsehong bumubuo sa balangkas ng estrukturang Katipunan.
F. Bilang batang Gentriseno , sino ang kilala ninyong lokal na bayaning may kinalaman sa kilusang Katipunan.
(Lokalisasyon) May naging kontribusyon ba sia sa kilusan?
Nagpapatuloy pa ba ang katipunan hanggang ngayon? Bakit?
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong . Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang namuno sa kilusang Katipunan?