Tuesday, September 13, 2022

SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN FOR GRADE 6, QUARTER 1

SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN FOR GRADE 6, QUARTER 1

SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN FOR GRADE 6, QUARTER 1

UNANG KWARTER

LAGUMANG PAGSUBOK BLG. 1

ARALING PANLIPUNAN 6 

PANGALAN: _______________________________________________________________ISKOR: _______

Basahin ang sumusunod at piliin ang titik ng inyong sagot. Isulat ito sa patlang sa unahan ng  bilang.

_____1. Anong ideolohiya ang may kahulugan ng pagiging makabansa?

A. idealismo                  B. nasyonalismo                        C. patriotismo                D. Pilipinismo

____ 2.  Alin ang HINDI  naging  salik sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino?

            A.  pagbayad ng buwis                                       C. pag-alsa sa Cavite

            B.  pagbukas ng Suez Canal                               D. pagdating ng liberal na kaisipan sa Pilipinas

____ 3. Anong samahan ang itinatag ng mga Pilipinong kabataan  na naliwanagan  o tinatawag na ilustrado?

            A. Katipunan                 B. La Liga Filipina          C. Kilusang Propaganda             D. Sekularisasyon

____ 4. Ano ang nagawa ng Katipunan para sa ating bansa?

            A. nagbigay ito ng tulong pinansyal sa mga naghihirap na Pilipino

            B. naglahad ito ang mga kabutihan ng mga Kastila sa mga Pilipino

            C. isiniwalat nito ang mga kalupitan ng mga Kastila sa mga Pilipino

            D. ipinaglaban nito ang kalayaan ng ating bansa sa mga Espanyol  sa pamamagitan ng paghihimagsik

____ 5. Noong Disyembre 20, 1863, pinagtibay ng Espanya ang Dekretong Pangedukasyon ng 1863. Bago ito

             napagtibay, sa anong larangan nakatuon ang edukasyon sa mga unang taon ng pananakop?

A. Pagtatanggol sa sarili.

B. Makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

C. Pag-aaral at pagtanggap sa relihiyong Katolisismo.

D. Pag-aaral ng heograpiya at kasaysayan ng Pilipinas at Espanya.

_____6. Paano nagsimula ang kilusang sekularisasyon?

A. Paggarote sa Gomburza.

B. Pang-aalipin sa mga katutubong Pilipino.

C. Nabigyan ng kapangyarihan ang mga paring Pilipino na pangasiwaan ang simbahan.

D. Pagpapalabas ng Patronato Real para sa mga paring Espanyol na nagbalik sa kanila ng kapangyarihang pamahalaang-muli ang mga simbahan.

____ 7. Bakit binitay ang tatlong paring sina Gomez, Burgos at Zamora?

            A. Sila ay lumaban sa mga Kastila.

            B. Sila ay napagbintangang namuno sa Cavite Mutiny.

            C. Sila ay nagsulat ng hindi maganda tungkol sa mga Kastila.

            D. Sila ay naghayag ng mga kasamaan ng mga paring Kastila.

_____8. . Sa kasalukuyang panahon, paano mo maipapakita ang iyong damdaming nasyonalismo?

A. sumunod sa mga batas kung kinakailangan

B. pakikiisa sa lahat ng programa ng pamahalaan

C. pagsali sa mga kilos-protesta o demonstrasyon laban sa pamahalaan

D. pagsanib sa mga rebeldeng grupo upang pabagsakin ang pamahalaan

_____9. Paano nakaapekto sa pagsibol ng nasyonalismong Pilipino ang naganap na industriyalisasyon sa mundo noon?

A. Naging industriyalisadong bansa ang Pilipinas.

B. Tinangka ng mga mayayamang bansa na sakupin ang Pilipinas.

C. Nagsimulang magluwas ang Pilipinas ng mga produktong pang agrikultura patungong ibang bansa.

D. Nakapasok ang mga bagong ideya at kaisipan na dulot ng pagbubukas ng mga daungan sa mga dayuhan.

_____ 10. Bakit binigyan ng tuon at mahabang oras ng mga Kastila ang pag-aaral ng relihiyon kaysa ibang asignatura?

              Sa malalim na pagsusuri, ano ang usapin dito?

A. Gawing mabubuting tao ang mga Pilipino.

B. Mailayo ang mga Pilipino sa mga makasalanang gawain.

C. Maipakilala ang mga Pilipino sa mapagpatawad na Diyos.

D. Linlangin ang mga Pilipino, para makontrol sila at humaba ang pananakop nila.

______11. Bakit nagkaroon ng pagtatalo sa Kilusang Propaganda?

A. Magkaiba ang estratehiyang nais gamitin ng mga pinuno nito.

B. Iilan lamang ang mga propagandistang may talino at kakayahan.

C. Napagtanto nilang hindi makikinig ang mga Espanyol sa kanilang panawagan.

D. Hindi sapat ang pondo ng kilusan upang ipagpatuloy ang paglaban sa Espanya.

_____ 12. Paano higit na nakatulong ang pagpasok ng mga kaisipang liberal sa Pilipinas?

A. lalong natakot ang mga Pilipino sa mga Espanyol

B. nagising ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino

C. natutong magrebelde ang mga Pilipino sa pamahalaang Espanyol

D. pinahalagahan ang edukasyon at nagsikap makapag-aral sa Europa

_____ 13. Paano ipinaglaban ni Marcelo H. Del Pilar ang katarungan at kalayaan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol?

             A. Nagtatag ng mga samahan upang lumaban sa mga Espanyol.

B. Nag-udyok nang hayagan upang maghimagsik ang mga Pilipino.

C. Nagsagawa ng teach – in upang buksan ang isip ng mga Pilipino na magkaisa.

D. Isiniwalat ang mga pang-aabuso ng mga opisyal at prayleng Espanyol sa pamamagitan ng paglathala ng mga ito sa pahayagan.

_____ 14 -15. Ang mga bayaning nakipaglaban makamtan lamang ang inaasam na kalayaan ay maituturing nakahanga - hanga at labis na maipagmamalaki hanggang sa kasalukuyang panahon. Sa ating panahon, matutukoy mo ba kung sino sino ang mga bayaning patuloy na nakikipaglaban para sa bayan? Magbigay ng paliwanag kung bakit sila maituturing na bayani sa kasalukuyang panahon.

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________


DOWNLOAD THE TEMPLATE HERE:

https://docs.google.com/document/d/1Th61nHO38ABouCvSN2x5qsYOLxkj7_Rd/edit?usp=sharing&ouid=118429975547582391122&rtpof=true&sd=true


 


YOU MAY ALSO LIKE:

VALEDICTORY ADDRESS / GRADUATION MESSAGE FOR GRADUATION CEREMONY

  VALEDICTORY ADDRESS Ladies and gentlemen, to our distinguished guests, esteemed faculty members, proud parents, and my fellow graduates....