DAILY LESSON LOG (DLL) GRADE 6: ARALING PANLIPUNAN QUARTER 1, WEEK 6
Note: This template is editable and free to download. Please report any activities like selling this template or the like to this email: teachershideout@gmail.com
DAILY LESSON LOG (DLL) GRADE 6: ARALING PANLIPUNAN QUARTER 1, WEEK 6 |
TOPIC: Ang Ambag ni Andres Bonifacio sa Pagbuo ng Pilipinas Bilang Isang Bansa
LC: AP6MPK-Ie-7 Natatalakay ang ambag ni Andres Bonifcaio sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa
TALAKAYAN:
A. Magkaroon ng maikling balitaan ukol sa napag-aralan sa nakaraang lingo.
B. Itambal ang Hanay A sa Hanay B.
HANAY A
1. Emilio Aguinaldo
2. Antonio Montenegro
3. Mariano Trias
4. Baldemero Aguinaldo
5. Emiliano Riego de Dios
HANAY B
a. Pangalawang Pangulo
b. Pangulo
c. Kalihim ng ugnayang panlabas
d. Kalihim ng pandigma
e. kalihim ng pananalapi
C. Ipakita ang larawan gamit ang PPT Presentation
(Larawan ni Bonifacio)
Tanong:
1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
2. Kilala niyo ba ang nasa larawan?
3. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
D. Kilala niyo ba si Andres Bonifacio?
Sino si Andres Bonifacio?
E. Pagpapakita sa larawan ni Bonifacio
1. Ano ang nagawa ni Andres Bonifacio sa ating bansa?
2. Ano ang papel na ginampanan ni Andres Bonifacio sa ating bansa?
3. Ano ang nangyari noong Himagsikan taong 1896?
4. Paano naging bayani si Andres Bonifacio?
5. Anong klasesng bayani si Andres Bonifacio?
F. Pagpapayaman ng mga Gawain:
a. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng tatlong pangkat. Hikayatin silang isadula ang mga sumusunod na sitwasyon.
Pumili ng lider at bawat lider ay kukuha ng papel sa kahon. Bawat grupo ay magsasadula mga naiambag ni Andres Bonifacio.
- Himagsikan
- Katipunan
- Kalayaan ng Pilipinas
b. Magbigay ng naiambag ni Andres Bonifacio para sa kalayaan ng Pilipinas at sabihin ito sa kapares.
c. Sabihin ang iyong opinion ukol sa larawan.
(Digital Flash Card – Bonifacio Animated Hero)
G. Kung bibigyan kayo ng isang pagkakataon na pumili ng isang bayani, pipiliin mo ba si Andres Bonifacio? Bakit?
H. Pagpapahalaga:
Kung si Andres Bonifacio ay buong tapang niyang hinarap ang himagsikan para sa kalayaan ng Pilipinas, paano mo naman hinaharap ang mga hamon mo sa iyong buhay?