DAILY LESSON LOG (DLL) GRADE 6: FILIPINO QUARTER 1, WEEK 6
Note: This template is editable and free to download. Please report any activities like selling this template or the like to this email: teachershideout@gmail.com
DAILY LESSON LOG (DLL) GRADE 6: FILIPINO QUARTER 1, WEEK 6 |
TOPIC: Pagbibigay Kahulugan ng Pamilyar at Di-kilalang Salita sa Pamamagitan ng Sitwasyong Pinaggamitan
LC: F6PT-Ie-1.8 Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng sitwasyong pinaggamitan
TALAKAYAN:
A. Ano ang dapat gawin kung may hindi mauunawaan sa isang tekstong binabasa?
B.1. Pabuksan ang aklat sa pahina 7 ng batayang aklat sa pagbasa 6.
*Hayaang piliin ng mga bata ng mga kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.
2. Pagbasa sa isang kuwento “Walong Taong Gulang”
Ipasagot ang mga tanong pagkatapos.
a. Ano-anong isyu ang tinalakay ng manunulat sa kuwento?
b. Alin sa mga isyu ang lubhang nakaapekto kay Leonora?
c. Bakit ganoon ang naging reaksiyon ni Leonora sa maraming pagkakataon?
d. Ano ang natuklasan ng kaniyang guro sa katapusan ng kuwento?
e. Paano hinarap ng ina ni Leonora ang masasakit na katotohanan sa buhay nilang mag-ina?
f. Paano nakaapekto kay Leonora ang mga suliranin ng kaniyang pamilya?
g. Sa iyong palagay, magkakaroon ba ng pagbabago kay Leonoramatapos matuklasan ng guro ang pangyayari sa kaniyang pamilya? Patunayan.
C. Ano ang kahulugan ng salitang may guhit sa sitwasyong pinaggamitan nito?
1. Ang batang iyon, higit sa lahat ang nakatawag sa akin ng pansin, hindi sa una pa lamang malas kundi sa tinagal-tagal ng panahong kami’y ipinagkilala.
2. Lumakad na ang ikatlong linggo ng pasukan nang matandaan ko ang mukhang iyo na may kaitiman sa karaniwan.
3. Isa lamang sa pulutong si Leonora sa animnapung bata na nakaharap ko.
4. Pinag-ukulan ko ng tingin ang batang si Leonora?
5. Minsa’y nakaupo sad among malamig na luntian. Sa isang kisapmata’y napaligiran ako ng mga batang aking tinuturuan.
D. Ang pamilyar na salita ay mga salitang medaling maunawaan samantalang ang di-kilalang salita ay matalinghaga o mahirap maunawaan. Kailangang pag-isipan ito at palawakin upang maging maayos ang pakikipagtalastasan.
A. Tukuyin kung pamilyar o di-pamilyar ang sumusunod na mga salita. Bigyan ng sariling kahulugan.
Salita Kahulugan Pamilyar o di pamilyar
kisapmata
Lampang-lampa
balisa
Bakas ng kaluluwa
DOWNLOAD THE TEMPLATE HERE:
DAILY LESSON LOG (DLL) GRADE 6: FILIPINO QUARTER 1, WEEK 6