Sunday, September 11, 2022

Bilang ng mga Gurong Nagreresign, Dumarami! Bakit Maraming Nagreresign na Guro sa Pilipinas Ngayon?

Bakit Nga ba Dumarami ang Bilang ng mga Nagreresign na Guro sa Pilipinas Ngayon?

Bilang ng mga Gurong Nagreresign, Dumarami! Bakit Maraming Nagreresign na Guro sa Pilipinas Ngayon?
Reasons Why Teachers Resign


Patuloy na dumarami ang bilang ng mga gurong nagreresign sa bansa. Ano nga ba ang mga dahilan sa likod nito?


Naaalala mo pa ba noong nag-aaral ka pa ng elementarya? Ang sarap balikan ng mga panahong pinapabasa tayo ng ating mga guro, tinuturuang magsulat at magbilang. Iyon bang uupo ka sa tabi niya at aalalayan ka hanggang sa matuto ka. Ngayon parang di na natin nakikita ang mga ganyang bagay sa loob ng paaralan dahil malaki na ang ipinagbago ng mga gawain ng mga guro ngayon.

Isa ka rin ba sa mga laging nagrarant tungkol sa mga gawaing ipinapagawa ng Deped? Huwag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa kaguro. Naisip mo na rin bang magresign dahil sa stress? Marami tayo, di ka nag-iisa. Pero bakit nga ba naiisipan ng karaming guro na huminto sa pagtuturo?

Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit marami sa atin ang naghahanap ng ibang trabaho o nagreresign bilang mga guro.

1. Bagong Curriculum
Dahil sa pagbabago ng Curriculum, unti-unti ring nag-iiba ang paraan ng pagtuturo ng mga guro. Ang ilan sa mga kasamahan natin ay napipilitang magresign dahil hindi na kayang sabayan ang mga pagbabagong ito lalo na sa patuloy na pamamayagpag ng mga bagong teknolohiya. Karamihan sa mga nagreresign ukol sa dahilang ito ay mga tinaguriang "Tanders" o iyong mga matatagal na sa serbisyo o mga matatanda.

2. Mababang Sahod
Marahil isa ito sa pinakamalaking dahilan dito. Kung ikukompara nga naman natin sa sahod ng mga guro sa ibang bansa, di hamak na malayo ang agwat nito sa sinasahod ng mga guro sa Pilipinas. Ang sahod ng mga guro sa bansa ay sadyang napakababa at tila binabarat ng gobyerno na kung tutuusin ay di pa kakasya sa gastusin sa loob ng tahanan sa loob ng isang buwan. Ang bagsak, karamihan sa mga guro ang napapasabak sa "LoanDon" o ang pangungutang sa mga PLIs o sa GSIS. Kapag nakapag-ipon ipon naman na, babayaran na at hahanap na ng ibang trabaho o magpapatayo na lang ng sariling negosyo.

3. Overworked/Overloaded/Stressed
Napapagod din ang mga guro pero kung magbigay ang ahensya ng mga reports, ora-orada. Ang sarap sanang maging guro kung ang ginagawa lang ng guro ay nagtuturo, nagchecheck, nagcocompute ng grades at nagpapabasa. Kaso mukhang nasa ibang dimension tayo ng kultura ng mundo. Kung kagaya lang sana sa Finland na 5 oras lang ang mga bata sa paaralan at gugugulin naman ng guro ang natitirang oras sa paggawa ng Instructional Materials, napakataas siguro ng standard ng edukasyon natin.

Minsan nakakaramdam na ng sobrang pagod ang mga guro dahil sa mga reports na paulit-ulit at papalit-palit. Sabi nila paperless na ngayon pero bakit tila mas madami pa ring ipinapagawa sa mga guro at ipinapapasa na printed? Pati sa pagtulog sa gabi, nagpapalipad ang mga nasa taas ng mga memorandum o Deped Order kaya sa halip na makakapahinga na sana ang isip ni teacher, wala na, naantala at nagising na naman ang mga neurons. Ang bagsak, gagawin pa ni teacher ito bago matulog. Minsan, pati hindi dapat gawain ng guro ay ipinapagawa na sa atin. Kaya sa huli, bagsak ni teacher - resign

READ:

4. May Karamdaman na Si Teacher
Marahil ay sa tagal ng panahon na nagtuturo si teacher, kulang pa rin ang mga benepisyong nakukuha niya. Dahil dito, posible na tinitipid na natin ang ating mga karamdaman dahil sa kakulangan sa perang pampacheck-up. Kung mayroon lang din sanang hospital benefits ang mga guro, mas magiging matapang at kampate sana ang karamihan sa atin na kahit magkasakit tayo, may aalalay sa atin. Kaso mas inuuna ng mga nasa taas ang paggawa ng mga walang kabuluhang batas. Laging tandaan na kapag sa tingin natin ay pagod na tayo, hindi na kaya at may nararamdaman na tayo, it's time to have break. lagi ring tandaan na "Health is Wealth".

5. Kawalan ng Materyales o IM's
Minsan kasi, napipilitan ang mga guro na gumastos sa sarili nilang pera dahil sa kakulangan ng mga gagamitin sa paaralan. Minsan nga mas ginagastusan na rin ang classroom kaysa sa sariling tahanan. Dahil dito, maiisipan natin na "kapag inipon ko sana ang mga ito, siguro ay may sarli na akong bahay sa future." Kung bakit nga naman ganito. Nakakalungkot isipin na isa ang Kagawaran ng Edukasyon pa naman ang may pinakamalaking budget sa lahat ng ahensiya sa bansa. Saan nga ba nagmumula ang korapsyon? Hmmmm. 


Kung sa tingin mo tama ito, pakishare at pakicomment ang iyong saloobin. 

No comments:

Post a Comment

YOU MAY ALSO LIKE:

VALEDICTORY ADDRESS / GRADUATION MESSAGE FOR GRADUATION CEREMONY

  VALEDICTORY ADDRESS Ladies and gentlemen, to our distinguished guests, esteemed faculty members, proud parents, and my fellow graduates....