DLL GRADE 6: FILIPINO, QUARTER 1, WEEK 3
Note: This template is editable and free to download. Please report any activities like selling this template or the like to this email: teachershideout@gmail.com
TOPIC: Pagtukoy at Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian
LC: Natutukoy at nagagamit ang pangkalahatang sanggunian
TALAKAYAN
A. Pagbati sa
mga mag-aaral
B. Balitaan:
Hayaang magbahagi ng karanasan ang magaaral tungkol sa paggamit ng
silidaklatan.
B. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay Isaayos nang paalpabeto
ang mga sumusunod na salita. Lagyan ng
bilang 1 – 9. __ Xerox __ Karaoke __
Radyo __ Pansit __ Alkohol __ Bangko
__ Mesa __ Videoke __ tindahan
C. Balik-aral
Ano ang pangngalan?
D. 1. Pangganyak :
Ano-ano
ang inyong relihiyon? Pareho ba ang tawag natin sa ating Dakilang Lumikha?
2. Paglalahad Sabihin: Babasahin natin ngayon ang isang seleksiyon
na pinamagatang, “Ang Diyos ng mga Ninuno.”
E. Paghawan ng Balakid Alamin ang
kahulugan ng mga sumusunod na salita:
1.
Ang
mga sinaunang Pilipino ay sumasamba sa mga diyos, espiritu, at nilalang
na nagbabantay sa mga sapa, bukid, puno, bundok, gubat, at kalikasan.
2.
Ang
mga Espanyol ang siyang nagpalaganap ng Kristyanismo sa Pilipinas.
F. Pagganyak na Tanong
Ano ang tawag sa diyos ng ating mga ninuno?
G. Pagbasa ng seleksiyon
-Ipaalala
ang mga pamantayan sa pagbasa nang pabigkas.
-Tumawag ng ilang bata at ipabasa nang pabigkas ang seleksyon
habang ang iba ay nagbabasa nang tahimik.
H. Pagtatalakay na Pang-unawa
1. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong Ano
ang tawag sa diyos ng ating mga ninuno?
Sagot: Ang ating mga ninuno ay may iba’t ibang tawag sa Dakilang
Lumikha:
Tagalog – Bathala
Kapampangan at Katagalugan – Maykapal
Bontoc at Kankanay – Lumawig
Ifugaw at Apayaw – Kabunian Zambal – Malayari
Apo – Igorot
Kabisayaan – Laon
Panay – Tuluk-Lawi
2. Pagsagot sa mga Tanong Pang-unawa
a. Anong relihiyon ang ipinakilala sa
Pilipinas ng mga Espanyol?
b. Sa palagay mo, bakit madaling
nayakap ng mga Pilipino ang Kristyanismo?
I. Paglinang sa Kasanayan Itanong:
Lahat ba ng mga salita sa seleksyon ay madaling maintindihan?
J. Pagtalakay sa mga pangkalahatang
sanggunian
K. Pagpapayamang Gawain
1. Gawin Natin
Alin sa mga pangkalahatang sanggunian
ang magagamit mo kung nais mong malaman ang sumusunod na mga kabatiran?
1. Kahulugan ng isang salita
2. Natatanging tradisyon ng isang
bansa
2. Gawin Ninyo
Tingnan ang isang maikling bahagi ng
diksiyunaryo. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba nito:
1. Ano ang pamatnubay na mga salita sa
pahinang ito?
3. Paglalahat
Ano-ano ang mga pangkalahatang sangguniantinatalakay natin? Saan dapat gamitin ang mga ito?
4. Paglalapat
Hatiin ang klase sa 3 pangkat. Magpaligsahan sa pagtukoy
kung anong pangkalahatang sanggunian ang gagamitin.
DOWNLOAD THE TEMPLATE HERE: