Sunday, August 21, 2022

DLL GRADE 6: FILIPINO, QUARTER 1, WEEK 3

DLL GRADE 6: FILIPINO, QUARTER 1, WEEK 3

Note: This template is editable and free to download. Please report any activities like selling this template or the like to this email: teachershideout@gmail.com


TOPIC: Pagtukoy at Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian

LC: Natutukoy at nagagamit ang pangkalahatang sanggunian


TALAKAYAN

A. Pagbati sa mga mag-aaral

 

B. Balitaan:

Hayaang magbahagi ng karanasan ang magaaral tungkol sa paggamit ng silidaklatan. 

 

B. Panimulang Gawain

1. Pagsasanay Isaayos nang paalpabeto ang mga sumusunod na salita. Lagyan ng bilang 1 – 9. __ Xerox __ Karaoke    __ Radyo __ Pansit __ Alkohol    __ Bangko __ Mesa __ Videoke    __ tindahan

 

C. Balik-aral

Ano ang pangngalan?

 

D. 1. Pangganyak :

 Ano-ano ang inyong relihiyon? Pareho ba ang tawag natin sa ating Dakilang Lumikha?

2. Paglalahad Sabihin: Babasahin natin ngayon ang isang seleksiyon na pinamagatang, “Ang Diyos ng mga Ninuno.”

 

E. Paghawan ng Balakid Alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:

 

1.       Ang mga sinaunang Pilipino ay sumasamba sa mga diyos, espiritu, at nilalang na nagbabantay sa mga sapa, bukid, puno, bundok, gubat, at kalikasan.

2.       Ang mga Espanyol ang siyang nagpalaganap ng Kristyanismo sa Pilipinas.

F. Pagganyak na Tanong

Ano ang tawag sa diyos ng ating mga ninuno?

 

G. Pagbasa ng seleksiyon

-Ipaalala ang mga pamantayan sa pagbasa nang pabigkas.

-Tumawag ng ilang bata at ipabasa nang pabigkas ang seleksyon habang ang iba ay nagbabasa nang tahimik.

 

H. Pagtatalakay na Pang-unawa

 

1. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong Ano ang tawag sa diyos ng ating mga ninuno?     Sagot: Ang ating mga ninuno ay may iba’t ibang tawag sa Dakilang Lumikha:  

Tagalog – Bathala  

Kapampangan at Katagalugan – Maykapal  

Bontoc at Kankanay – Lumawig  

Ifugaw at Apayaw – Kabunian    Zambal – Malayari  

Apo – Igorot  

Kabisayaan – Laon  

Panay – Tuluk-Lawi


2. Pagsagot sa mga Tanong Pang-unawa

a. Anong relihiyon ang ipinakilala sa Pilipinas ng mga Espanyol? 

b. Sa palagay mo, bakit madaling nayakap ng mga Pilipino ang Kristyanismo?

 

I. Paglinang sa Kasanayan Itanong: Lahat ba ng mga salita sa seleksyon ay madaling maintindihan?

 

J. Pagtalakay sa mga pangkalahatang sanggunian

K. Pagpapayamang Gawain

   1. Gawin Natin  

Alin sa mga pangkalahatang sanggunian ang magagamit mo kung nais mong malaman ang sumusunod na mga kabatiran?

1. Kahulugan ng isang salita

2. Natatanging tradisyon ng isang bansa

   2. Gawin Ninyo

Tingnan ang isang maikling bahagi ng diksiyunaryo. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba nito:

1. Ano ang pamatnubay na mga salita sa pahinang ito?

    3. Paglalahat

Ano-ano ang mga pangkalahatang sangguniantinatalakay natin?  Saan dapat gamitin ang mga ito? 


4. Paglalapat

Hatiin ang klase sa 3 pangkat. Magpaligsahan sa pagtukoy kung anong pangkalahatang sanggunian ang gagamitin. 



DOWNLOAD THE TEMPLATE HERE:

https://docs.google.com/document/d/1XIHYsFAzMPK2famJ-VMeF69BiKR780CJ/edit?usp=sharing&ouid=118429975547582391122&rtpof=true&sd=true

No comments:

Post a Comment

YOU MAY ALSO LIKE:

VALEDICTORY ADDRESS / GRADUATION MESSAGE FOR GRADUATION CEREMONY

  VALEDICTORY ADDRESS Ladies and gentlemen, to our distinguished guests, esteemed faculty members, proud parents, and my fellow graduates....