DLL GRADE 6: ARALING PANLIPUNAN (AP), QUARTER 1, WEEK 3
Note: This template is editable and free to download. Please report any activities like selling this template or the like to this email: teachershideout@gmail.com
TOPIC: Ang Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863
LC: Naipaliliwanag ang pagpapatibay ng dekretong edukasyon ng 1863
TALAKAYAN:
A. REVIEW: TAMA o MALI
Magkaroon ng review sa nakaraang leksyon sa pamamagitan ng
pagtatanong ng mga katanungang sasagutin ng Tama o Mali. Kung ang sasagot ng
Tama ang mga mag-aaral, sila ay tatayo. Kung Mali naman ang kanilang sasagot,
sila ay uupo sa kanilang upuan.
B. Pass the ball: Itanong sa mga mag-aaral kung bakit mahalaga ang
kanilang pag-aaral dito sa paaralan. Magpapaikot at magpapasa ng isang Bola ang
mga mag-aaral habang tumutugtog ang musika. Ang sino mang may hawak ng bola sa
paghinto ng musika ang siyang sasagot sa tanong
C. Ilahad sa mga mag-aaral ang naging adhikain ng pamahalaang
Espanyol sa pagtatag ng Sistema ng edukasyon sa ating bansa upang tugunan ang
mabilis na paglaganap ng kaisipang liberal.
D.
Focused Group Discussion: Pangkatin ang klase sa 5-8 grupo. Bigyan
sila ng hand-outs na naglalaman sa paksang aralin. Hayaan silang pag-usapan ang
ito.
E. Data Retrieval Chart: Magbigay ng Blank Chart sa bawat pangkat.
Ipatala sa mga mag-aaral ang mga dahilan sa pagsasabatas ng Dekretong Edukasyon
ng 1863 at ang mga nagging epekto nito sa bayan.
F. Magtalakayan, Buuin o Lagumin ang mga natapos na mga Data
Retrieval Chart ng mga mag-aaral.
G. Pass the ball: Itanong sa mga mag-aaral kung paano nila
mapapahalagahan ang edukasyon. Magpapaikot at magpapasa ng isang Bola ang mga
mag-aaral habang tumutugtog ang musika. Ang sino mang may hawak ng bola sa
paghinto ng musika ang siyang sasagot sa tanong
H. Poster/Slogan Making: Pagawain ang bawat pangkat ng Bisaya Slogan na nagpapakita ng kahalagahan ng edukasyon. Sa baba ng slogan, magpasulat sa kanila ang 5 – 10 impormasyong kanilang natutunan o naintindihan sa pagsasabatas ng Dekretong Edukasyon ng 1863.
Sagutin ang mga tanong:
1-2. Magbigay ng dalawang dahilan kung bakit itinatag o isinabatas
ang Dekretong Edukasyon ng 1863.
3-5. Magbigay ng limang epekto sa pagkakatatag ng Dekretong Edukasyon ng 1863.
DOWNLOAD THE TEMPLATE HERE:
No comments:
Post a Comment