DLL GRADE 6: FILIPINO, QUARTER 1, WEEK 2
Note: This template is editable and free to download. Please report any activities like selling this template or the like to this email: teachershideout@gmail.com
TOPIC: Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Kuwento
LC: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento - F6PN-Ia-g-3.1
TALAKAYAN:
Pahanapin ng kapareha ang bawat isa. Ibahagi ang sagot sa mga
tanong na ibibigay.
Itanong:
Sino ang iyong matalik na kaibigan?
Ilarawan siya.
Kuhanin ang pananaw ng mag-aaral sa: masusubok ang tunay na
kaibigan sa oras ng pangangailangan.
Paano maipakikita ang pagiging mabuting kaibigan?
Basahin nang malakas ang pabulang “Ang Tipaklong at ang Paruparo” sa mag-aaral (MISOSA 6824, pp. 2-3)
Pasagutan sa bawat pangkat ng mag-aaral. Papaghandain sila ng
malikhaing pag-uulat.
1. Sino ang mga
tauhan sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa.
2. Ano ang
problema ng magkakaibigan sa kuwento?
3. Paano ito
nalutas?
4. Bakit maituturing na magkaibigan sina Paruparo at Tipaklong?
Tanungin ang mga mag-aaral, tungkol sa kanilang kaalaman sa
kahulugan ng panghalip.
C. Pagkatapos sabihin ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot,
sasabihin ng guro ang tamang kahulugan nito at mga uri nito:
a. Panghalip Panao
b. Panghalip Pananong
c. Panghalip Pamatlig
d. Panghalip Panaklaw
D. Matapos matalakay ang mga uri ng panghalip, kanya itong
irerebyu muli upang mas maintindihan ng mga mag-aaral nauunawaan.
E. Susubukin ng guro ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang mga gawain.
Pasagutan ang mga tanong sa
MISOSA 6824, pp. 3.
DOWNLOAD THE TEMPLATE HERE:
No comments:
Post a Comment